Essay Example: Digital Games Addiction

Essay Example, Alternative Learning System

Topic: Ano ang masamang epekto ng pagkalulong sa paglalaro ng digital games?
Author: Albert Cueva

Ang Masasamang Epekto ng Pagkalulong sa Paglalaro ng Digital Games

Maituturing isa sa mga pinaka-epektibong libangan ang paglalaro ng digital games dahil sa kakaibang kakayahan nitong busugin ang ating mga mata habang kinikiliti ang ating isip. Ngunit sa kabila ng pansamantalang kaligayahang ibinibigay nito ay ang nakaabang na banta ng adiksyon at masasamang dulot nito.

Ang mga sandaling iginugugol sa paglalaro ng digital games ay katumbas sana ng panahong maaaring ilaan sa mas makabuluhang bagay katulad ng pag-aaral, pagtulong sa mga gawaing-bahay, at pakikisalamuha sa ating mga mahal sa buhay.

Mayroon ding masamang epekto ang labis na paglalaro ng digital games sa kalusugan. Naiulat na isa ito sa mga itinuturong sanhi ng pagdami ng mga obese dahil mas pinipili ito kapalit ng pisikal na paglalaro. Nagiging dahilan din ito ng pagkakaroon ng problema sa paningin dahil sa labis na pagkababad ng mga mata sa liwanag. Gayundin ang iba pang panganib sa kulusugang dulot ng radiation mula sa gadgets na gamit sa paglalaro.

Sa anumang adiksyon, ang masamang epekto sa pag-uugali ang pinakanakababahala. Partikular sa kabataan, nariyan ang malaking posibilidad ng pagsisinungaling sa magulang. Isa sa mga halimbawa nito ay ang paggamit ng huwad na dahilan para lamang mapayagang makalabas ng bahay at mabigyan ng pera upang makapaglaro. Gayundin ang napapadalas na pagliban sa klase para lamang makapaglaro gamit ang baong pera at kung magpapatuloy ay magiging sanhi ng tuluyang paghinto sa pag-aaral. Hindi rin imposibleng mangyari ang palihim na pagbebenta ng gamit o ang pinakamasama ay ang magnakaw para lamang matustusan ang adiksyon.

Ilan din sa mga digital games na kinahuhumalingan ng marami ay mayroong marahas na konseptong maaaring makaimpluwensya nang masama sa mga manlalaro nito.

Hindi maitatangging epektibong libangan ang paglalaro ng digital games ngunit ating pakatandaang ang paglilibang ay ginagawa lamang dapat sa mga libre nating oras. Kung umabot na tayo sa puntong may mga ipinagpapalibang mahahalagang gawain at nagagawang hindi tama dahil sa paglalaro nito ay maaaring indikasyon na ito ng adiksyon.

Panatilihin natin ang disiplina sa sarili at moderasyon sa anumang napiling libangan upang maiwasan ang masasamang epektong kadalasan ay pangmatagalan at mayroong kakabit na sanga-sangang problema. Hangga't maaari rin ay pumili tayo ng mas makabuluhan at produktibong libangan tulad ng pagtatanim, pag-eehersisyo, pagbabasa ng libro at pag-a-advance study ng ating mga aralin.

This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →

7 comments:

  1. Ang ganda po ng pagkagaw ng essay at madami po akokg natutunan ukol sa aking binasa..

    ReplyDelete
  2. Thank you PO! Dahil dito may nhapulot akung idea kc nahihirapan po ako sa mga Essay ng Als kung paano simulan.. thank u so much!
    :)

    ReplyDelete
  3. Meron po bang school yan sa calabarzon IV-A?

    ReplyDelete
  4. Mahirap pa rin para saakin ang gumawa ng essay dahil ang pag sulat ng sarili ang mahirap sa akin

    ReplyDelete
  5. Lagi tlaga ako nag babasa ng mga essay dito kasi malapit na ang aming final exam 2k17 batch ��

    ReplyDelete
  6. Nahirapan din ako sa essay kaya nagbabasa ako dito dahil malapit na final exam

    ReplyDelete