Essay Example: Fuel Price Increase

Essay Example, Alternative Learning System

Topic: Ano ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis?
Author: Albert Cueva

Ang Epekto ng Pagtaas ng Presyo ng Langis

Malakas na sigaw ng pag-aray mula sa ating mga mamayan ang kadalasang kasunod ng bawat pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Bakit nga ba?

Ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ay ugat ng pagtaas ng mga pangunahing gastusin at pangangailangan ng mamamayan. Napipilitan ang mga driver at operators na magtaas ng sisingiling pamasahe mula sa mga mananakay upang maipagpatuloy ang kanilang serbisyo. Dahil ibinabyahe ang bawat produktong ating tinatangkilik sa mga suki nating pamilihan tulad ng bigas, karne, gatas, gulay, at mga de-lata ay kinakailangan din ng mga negosyanteng idagdag sa presyo ng kanilang mga paninda ang dagdag na gastusin sa transportasyon.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga nagiging epekto ng bawat pagtaas ng presyo ng langis na tayong mga mamamayan ang pumapasan.

Ang presyo ng langis ay hindi kontrolado ng ating pamahalaan dahil ito ay inaangkat lamang mula sa ibang bansa. Ang tanging magagawa ng ating gobyerno sa isyung ito ay ang masiguradong makatwiran at walang magsasamantala sa idadagdag na presyo upang hindi masyadong tumaas ang mga pangunahing gastusin ng mamamayan.

This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More ?

0 comments:

Post a Comment