Essay Example, Alternative Learning System
Topic: Paano masosolusyunan ang problema sa pabahay?
Author: Albert Cueva
Paano Masosolusyunan ang Problema sa Pabahay?
Ang hindi mapigilang pagsulpot ng mga informal settlers sa kung saan-saang bahagi ng lungsod at probinsya ay isang maliwanag na indikasyon na ang ating bansa ay dumaranas ng kakulangan sa pabahay. Sa kabila ng kaliwa't kanang proyektong pabahay ng ating pamahalaan ay kapuna-punang bigo pa rin nitong mahinto nang tuluyan ang problema.
Ayon sa mga naiulat na pag-aaral, ang patuloy at abnormal na paglaki ng populasyon ang itinuturong pangunahing dahilan ng suliraning ito. Samakatuwid, kung makokontrol lamang ang paglobo ng populasyon ay kasabay nitong masosolusyunan ang problema sa pabahay ng ating bansa.
Malaki ang maitutulong ng kapapasa pa lamang na Reproductive Health Law ng bansa. Kung mahigpit lamang na maipatutupad ng gobyerno ang mga probisyon nito at matagumpay na mabigyan ng wastong kaalaman sa family planning ang mga mamamayan ay naniniwala akong makokontrol ang populasyon kasunod ang unti-unting pagbaba ng kakulangan sa pabahay ng Pilipinas.
Wala ni isa sa atin ang magnanais kailanman ang mapabilang sa mga pamilyang walang sariling tahanan. Kaya kinakailangan nating patuloy na magsumikap at siguraduhing magkaroon ng family planning upang sa pagdating ng panahon ay makapagpundar tayo ng sarili nating tahanan at mas magarantiya ang magandang kinabukasan ng ating pamilya.
This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →
thank's sa magandang ideya na nakuha ko sa inyo .. !!
ReplyDelete