Essay Example, Alternative Learning System
Topic: Ano ang kahalagahan ng Internet sa buhay mo?
Author: Albert Cueva
* Short Essay
Ang Kahalagahan ng Internet sa Aking Buhay
Ang Internet ay isang mahalagang imbensyon sa buhay ng tao. Ano nga ba ang pakinabang nito sa atin?
Sa aming mga estudyante ay malaki ang naitutulong ng Internet sa aming pag-aaral. Nagkakaroon kami ng mas malawak na kaalaman tungkol sa aming mga aralin. Hindi na rin namin kinakailangang bumili o manghiram pa ng libro para lamang magawa ang aming mga takdang-aralin at proyekto. Halos lahat ng aming kailangan sa pag-aaral ay mase-search namin mula sa Internet.
Dahil din sa Internet ay nagkakaroon kami ng tulay upang makausap ang aming mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa. Ito ay sa pamamagitan ng teknolohiya ng email at mga computer softwares o cellphone applications tulad ng Skype, Viber, at iba pa.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kahalagahan ng Internet. Gamitin lamang sana natin ito sa mabuting bagay.
This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →
OK lang po ba magsimula s word n dahil? Sabi kasi ng als provider namin Bawal daw magsimula s mga words na dahil,sapagkat,at iba pa.
ReplyDeleteOpo, complete sentence pa rin naman po kahit sa "Dahil, Sapagkat," etc. po sinimulan :)
Delete**when you have time, try to search about "Karaniwan at di-karaniwang ayos ng pangungusap :)
Actually sir, technique din yan to add flavor sa composition mo para hindi boring/masarap basahin/hindi parang nag-enumerate ka lang ng sagot. Depende na po sa gagawin mong takbo ng gawa mo.
Siguro po ang ibig sabihin ng teacher mo ay hindi advisable/recommended, pero hindi naman po totally bawal. God bless :)
Thanks po.. ilan po bang sentence ang kailangan sa isang essay? Meron po bang maximum number ng sentences?
DeleteTAMA
DeleteMay required number of paragraphs po ba ang essay ng examination ng ALS? Thankyou po:)
ReplyDeleteMay required number of paragraphs po ba ang essay ng ALS examination? Thankyou po:)
ReplyDeleteMay required number of paragraphs po ba ang essay ng ALS examination?
ReplyDeletesa essay po ba kapag tagalog ang sinu sulat hindi pwedeng lagyan nang english ?
ReplyDeleteHi...pwede po manghingi ng tips sa effective na essay? Nahuli na po kc akong pumasok sa als kaya d ko na naabutan ng ituro ng teacher....maraming salamat po...
ReplyDelete