Essay Example: K-12

Essay Example, Alternative Learning System

Topic: Ano ang layunin ng K-12?
Author: Albert Cueva

Ano ang Layunin ng K-12?

Negatibo ang naging inisyal na reaksyon ng maraming Pilipino sa pagbabagong ipinatutupad ng pamahalaan sa basic education program ng bansa, ang K-12. Tinitignan lamang bilang dagdag na gastos ang karagdagang dalawang taon at patuloy na nagbibingi-bingihan sa malaking tulong nito sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at ekonomiya ng bansa.

Hindi na bago ang K-12 sa Pilipinas, mayorya ng mga pribadong paaralan sa bansa ay matagal na itong ipinatutupad at sa loob ng maraming taon ay napatunayan ang pagiging epektibo nito. Kung ating mapapansin, ang mga nakapagtapos sa mga paaralang nagpapatupad nito ang mga kadalasang nakakakuha ng mas marami at mas magagandang oportunidad hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad dahil ang K-12 ay ang kinikilalang international education standard na sinusunod ng halos lahat ng mga bansa. At dahil kasisimula pa lamang itong ipatupad sa Pilipinas, nangangahulugan lamang na napag-iiwanan na ang kalidad ng ating edukasyon.

Sa kabila ng kaliwa't kanang batikos na natatanggap ng pamahalaan sa pagpapatupad ng K-12 ay patuloy pa rin itong sumusugal upang agarang matugunan ang kritikal na kalagayan ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Yakapin sana ng bawat magulang at mag-aaral ang pagbabagong ito nang buong-puso at matutunang buksan ang isip sa mga magiging pangmatagalang pakinabang nito sa ating pamilya at kabuuang ekonomiya ng bansa.

This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →

1 comment:

  1. tama ang mga nakasulat sapag nangyayare lahat sa mga ibang bansa halos minsan nalubog na ang philipinas sa mga taong hinde dapat maglingkod sa bansa natin

    ReplyDelete