Essay Example, Alternative Learning System
Topic: Ano ang karanasang hindi mo malilimutan?
Author: Albert Cueva
* Short Essay
Ang Karanasang Hindi Ko Malilimutan
Lahat tayo ay may karanasang hindi natin malilimutan. Maaaring para sa iba ay maliit na bagay lamang ngunit sa iyo ay napakahalaga.
Ang karanasang hindi ko malilimutan ay ang aking ika-pitong kaarawan. Sa araw na iyon ay naroon ang lahat ng aking mga kalaro at mga kamag-anak. Ang aking mga handa ay pansit, hotdog, tinapay, cake, at ice cream. Mayroon ding mga lobo at palaro para sa mga batang bisita. Ang pinakapaborito kong bagay nang araw na iyon ay ang mga regalo. Isa ang araw na iyon sa pinakamasayang pangyayari sa aking buhay at hinding-hindi ko malilimutan kailanman.
Para sa ibang tao ay maliit na bagay lamang ang karanasang hindi ko malilimutan. Para sa akin naman ay importante ang araw na iyon dahil naramdaman ko ang pagmamahal ng aking mga magulang.
This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →
waw (Y) alam mo dahil sa pag babasa ko sa mga gawa mong Essay may nattohan ako salamat po Albert Cueva at salamat po na may ganito
ReplyDeletesana lang po maka pasa kami sa pasulit nato gagawin ko talaga ng maayus to
:) Goodluck sa amin lahat at sa aking sarili Salamat ng Marami
nc
ReplyDeletenc
ReplyDeleteNC
ReplyDeleteang ganda pala sana ganya sana ako mg gawa ng essay :)
ReplyDeleteMaganda po Ang mga sinusulat mo,maraming salamat po dito
ReplyDelete