Essay Example, Alternative Learning System
Topic: Paano mo nakikita ang iyong sarili sampung taon mula ngayon?
Author: Albert Cueva
Ako, Sampung Taon Mula Ngayon
Walang sino man sa atin ang hindi nagnanais magkaroon ng masagana at matiwasay na pamumuhay ngunit batid nating lahat na hindi ito mapapasa-atin nang madalian. Ito ay sinisimulan sa pagpupunla ng mga pangarap, kasabay nang paglaki ng mga ito ay ang pagdidilig ng ekstra-ordinaryong pagsusumikap, disiplina, at pananalig sa Diyos upang masigurado ang pag-ani ng inaasam na magandang kinabukasan.
Sa kabuuan, ang tangi ko lamang inaasam ay ang simpleng pamumuhay ngunit pagsusumikapan kong maging mas mabuti pa sa kasalukuyang kalagayan ng aming pamilya.
Inaasahan kong sampung taon mula ngayon, ako ay isa nang matagumpay na IT Manager sa isang malaking korporasyon sa bansa. Tulad ng pinapangarap ng marami, ninanais ko rin ang magawang makapamasyal sa ilang bahagi ng mundo, gayundin sa karamihan ng magagandang lugar dito sa Pilipinas.
Una sa aking mga prayoridad ay ang magmay-ari ng tatlong palapag na bahay kapiling ang aking butihing maybahay at dalawa naming mga anak.
Nais ko ring matupad ang pangarap ko mula noong ako ay bata pa lamang na magkaroon ng magarang sasakyan. Ito ang pinakahuli sa aking mga prayoridad at aking pagsusumikapan bilang gantimpala para sa aking sarili.
Sa patuloy kong pagbibigay ng aking buong makakaya sa lahat ng aking ginagawa at sa patnubay ng ating Poong Maykapal ay buong pananalig akong naniniwala na sampung taon mula ngayon ay mabubuhay ako sa aking mga pinapangarap kapiling ng aking mga mahal sa buhay.
This literary work is protected by the Intellectual Property Rights of the Philippines. Learn More →
That is true.....
ReplyDelete